Monday, August 17, 2009

Sasakyan nagsalpukan, 3 sugatan!














ALFONSO, CAVITE-- Sugatan ang mga sakay ng rumaragasang Harley Davidson motorcycle matapos itong sumalpok sa isang pampasaherong tricycle at owner-type jeep nang mag-over take ito sa kahabaan ng Barangay Taywanak Ilaya, sa lungsod na nabanggit, Agosto 16, 2009.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad dito, tinatahak ng pamilya Pejer, residente ng kabilang barangay, ang nabanggit na lugar nang magtangka itong lampasan ang isang pampasaherong jeep subalit nakasalubong at sumalpok naman sa Honda TMX na minamaneho ni Julius Flores, 40 at natumba sa owner-type jeep na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Sinabi naman ni June Pejer, driver ng motorsiklo, na hindi na nito nagawang iwasan pa ang papasalubong na sasakyan.

Malalim na sugat sa hita ang natamo ng driver samantalang galos at gasgas naman sa asawa at anak nito. Nasira naman ang unahang bahagi ng Honda TMX at nabasag ang side mirror ng owner-type jeep. Wala namang naitalang matinding galos sa mga sakay ng tricycle.
- Christine Ann Bahala

No comments:

Post a Comment